DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA
Hindi lingid sa ating kaalaman na ang ating bansa ay binubuo
ng pitong libo't isandaa't pitong kapuluan. Tayo man ay pinaghihiwalay ng mga
katubigan, tayo man ay may iba't ibang kultura, tayo man ay may iba't ibang
linggwahe, tayo naman ay pinagbubuklod ng sagisag ng Pilipinas at ng ating
pambansang wika. Ang wikang Filipino ay susi tungo sa pagkakaisa at
pagkakaintindihan. ginagamit natin ito sa ating pangaraw-araw na
pakikipagtalastasan, pamumuhay at samut-saring mga gawain. Tunay nga na kayganda ng wikang
Filipino. Kung may iisang wika, magkakaintindihan ang lahat at
magkakaroon ng iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa mga pinagdaanang
problema. Ang ating wika ay sumisimbolo ng isang bansang matatag at
nagkakaisa dahil kung hindi magkaintindihan ang bawat mamamayan nito dahil sa
mga pansariling wika, hindi uunlad ang ating bayan at patuloy pa rin sa paglayo
ang inaasam nating pagbabago. Kung may iisang wika, magkakaintindihan ang lahat
at magkakaroon ng iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa mga pinagdaanang
problema. Ang pagunlad ay makakamit sa
tulong ng wika. Marami mang wika ang ating bansa mas higit tayong
pagbubukludin at pag-iisahin nito tungo sa pagkakaroon ng matatag na bansa.