Sabado, Setyembre 26, 2015

DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA




Hindi lingid sa ating kaalaman na ang ating bansa ay binubuo ng pitong libo't isandaa't pitong kapuluan. Tayo man ay pinaghihiwalay ng mga katubigan, tayo man ay may iba't ibang kultura, tayo man ay may iba't ibang linggwahe, tayo naman ay pinagbubuklod ng sagisag ng Pilipinas at ng ating pambansang wika. Ang wikang Filipino ay susi tungo sa pagkakaisa at pagkakaintindihan. ginagamit natin ito sa ating pangaraw-araw na pakikipagtalastasan, pamumuhay at samut-saring mga gawain. Tunay nga na kayganda ng wikang Filipino. Kung may iisang wika, magkakaintindihan ang lahat at magkakaroon ng iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa mga pinagdaanang problema. Ang ating wika ay sumisimbolo ng isang bansang matatag at nagkakaisa dahil kung hindi magkaintindihan ang bawat mamamayan nito dahil sa mga pansariling wika, hindi uunlad ang ating bayan at patuloy pa rin sa paglayo ang inaasam nating pagbabago. Kung may iisang wika, magkakaintindihan ang lahat at magkakaroon ng iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa mga pinagdaanang problema. Ang pagunlad ay makakamit sa tulong ng wika. Marami mang wika ang ating bansa mas higit tayong pagbubukludin at pag-iisahin nito tungo sa pagkakaroon ng matatag na bansa.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento